Posts

Showing posts from 2019

Para sa Isang Iskolar, si Rizal ay...

Image
Larawan mula sa  https://medium.com/@ellajanevergara/dr-jose-rizal-nationalist-or-patriot-c1d247c234e9     ISKOLAR NG BAYAN. Sa loob ng limang buwan kong pananatili sa Unibersidad ng Pilipinas upang mag-aral, isang katotohanan ang mistulang gumising sa natutulog kong diwa. Isang bagay na tinuro sa akin ng pamantasan na hindi ako naririto para lamang unti-unting punan ang aking mga pansariling pangarap para sa hinaharap. Ngayong nandito na 'ko, kailangan ko nang ialay ang aking buong sarili para sa bayan at para sa mga mamamayan nito. Isang lubhang mahalagang responsibilidad na di maaaring talikuran kapag nakapasok ka na! Sa mga nagdaang buwan ng pag-aaral ko kay Rizal, sa kanyang buhay at mga sulatin, napakaraming realisasyon ang idinulot nito sa aking personal na buhay. At habambuhay akong magpapasalamat sapagkat ito ang nagbigay ng rason upang lalo akong magkaroon ng masidhing pagmamahala sa bansa gaya ng ating pambansang bayani. LUMALABAN! Ang isang tunay na taong

Dir Rizal: Isang Liham Para sa Bayani

            Sumulat ako sayo, dahil sa tatlong mahahalagang dahilan. Una, gusto ko sanang humingi ng pasensya kung minsan ay nakalilimutan kita, pero gusto kong malaman mo na kailanman hindi mabubura sa isipan ko ang mga kabayanihang ginawa mo para sa bayan natin. Pangalawa, gusto kitang pasalamatan sa mga sakripisyong ginawa mo, kung hindi siguro dahil sayo baka nandoon ako sa kamay ng mga banyaga -nagpapaalipin sa kanila. Panghuli, may mga katanungan lang ako sayo na gusto kong bigyang-linaw mo. Gulong-gulo na rin kasi ako. Sa dami ng mga kuro-kuro at mga kuwento-kuwento na naglipana, hindi ko na alam kung ano at sino ang paniniwalaan ko. Alam mo ba? Sikat na sikat ka na dito. Sa klase nga namin, lagi na lang ikaw ang paksa. Kulang na lang, sa pagpasok ng aking guro sa silid-aralan at bago pa man niya buksan ang kanyang bibig, nais kong sabihin sa kanya ang mga linyang ito: Batid ko ang nasa loob ng kokote mo, Sir. Jose Rizal ... siya na naman?! Ngunit, sa bawat aralin na

Katamaran, ugaling likas ba kay Juan?

Image
Larawan mula sa: https://www.amazon.co.uk/Indolence-Filipino-Jose-Rizal/dp/1545479089           Gamit ang pluma at papel, isang piyesa ang linikha ni Rizal upang ipamukha sa lahat ang tunay na rason sa likod ng sinasabing katamaran ng mga Pilipino sa panahon ng pananakop ng mga Kastila. Ang paraan ng pagpapahayag ng kanyang mga ideya ay nasa punto at tiyak na organisado. Maituturing itong isa sa mga obra maestro ng pambansang bayani na naglayong ilantad ang katotohanan at walang iba kundi ang katotohanan sa panig ng mga Pilipino.           Bigyan ng boses ang mga Indio, ito ang pangunahing layunin ni Rizal sa pagsulat ng artikulong ito. Ipinagtanggol ng bayani ang mga Pilipino sa di umano’y kanilang kabatuganan sa bawat gawaing ipinagkakaloob ng mga Kastila. Nagsagawa si Rizal ng isang kritikal na pag-aaral ng mga sanhi kung bakit ang kanyang mga kababayan ay hindi gumana nang husto sa rehimen ng Espanya. Lumalabas sa kanyang pangunahing tesis na ang mga Pilipino ay hindi li

Retraksiyon Ni Rizal: Katotohanan o Kasinungalingan?

Image
Ang sinasabing Retraktasyon ni Rizal (Courtesy of Ambeth R. Ocampo) 2016 Mistulang isa pa ring sariwang kontrobersiya at nananatiling mainit na debate hanggang ngayon ang sinasabing pagbabalik-loob ni Dr. Jose Rizal sa Simbahang Katolika. Samu’t saring kuru-kuro ang nagsulputan ukol sa di umano’y kanyang retraksiyon, kaya kahit isang siglo na ang lumipas ay wala pa ring kalinawan sa isyu, na siya ding nag-udyok upang magkaroon ng partisyon sa dalawang magkasalungat na panig: mga tagapagtanggol ng Romanong Katoliko na inaangkin na totoo ito, at mga kontra-retraksiyong iginigiit na pawang panlilinlang lamang ito ng mga prayle para mapanatili ang kanilang integridad. Lahat ng ito ay nagsimula kinaumagahan pagkatapos ng pagbitay kay Jose Rizal sa Bagumbayan, naitala ng mga pahayagan ng Maynila at Madrid ang mga kaganapan, at inihayag na sa bisperas ng kanyang kamatayan ay nagawa pang iatras ni Rizal ang kanyang mga kamalian sa relihiyon, tinalikuran ang pagiging mason, at sa mga

Jose Rizal Bilang Ama at Asawa

Image
Image from:  https://philnews.ph/2019/09/23/jose-rizal-josephine-bracken Masakit ang mamatayan ng mahal sa buhay. Ngunit, wala ng mas sasakit pa sa isang magulang na maglibing ng sariling anak. Ito ang pinatunayan ni Jose Rizal na labis ang paghihinagpis na sinapit nang sa hindi inaasahang pagkakataon ay nawalan ng sana’y magiging kanyang kauna-unahang anak sa kanyang pinakamamahal na kabiyak. Mistulang pinagsakluban ng langit at lupa ang pambansang bayani sapagkat tila ba’y pinagkaiitan siya ng karapatang maging isang mabuting ama dahil lamang sa isang lihim na kanyang natuklasan –isang sikretong magdudulot pala ng dilema sa pagsasama nilang mag-asawa. Ang pag-iibigang ito ay nagsimula sa isang liblib na nayon sa katimugang Zamboanga, kung saan si Jose Rizal ay ipinatapon ng mga kolonista ng Espanya noong 1892. Si Rizal ay hindi lamang nakilala bilang isang repormista; siya ay isa ding kilalang optalmolohista, guro at doktor na nagpatuloy sa pagsasagawa ng gamot sa