Posts

Showing posts from October, 2019

Retraksiyon Ni Rizal: Katotohanan o Kasinungalingan?

Image
Ang sinasabing Retraktasyon ni Rizal (Courtesy of Ambeth R. Ocampo) 2016 Mistulang isa pa ring sariwang kontrobersiya at nananatiling mainit na debate hanggang ngayon ang sinasabing pagbabalik-loob ni Dr. Jose Rizal sa Simbahang Katolika. Samu’t saring kuru-kuro ang nagsulputan ukol sa di umano’y kanyang retraksiyon, kaya kahit isang siglo na ang lumipas ay wala pa ring kalinawan sa isyu, na siya ding nag-udyok upang magkaroon ng partisyon sa dalawang magkasalungat na panig: mga tagapagtanggol ng Romanong Katoliko na inaangkin na totoo ito, at mga kontra-retraksiyong iginigiit na pawang panlilinlang lamang ito ng mga prayle para mapanatili ang kanilang integridad. Lahat ng ito ay nagsimula kinaumagahan pagkatapos ng pagbitay kay Jose Rizal sa Bagumbayan, naitala ng mga pahayagan ng Maynila at Madrid ang mga kaganapan, at inihayag na sa bisperas ng kanyang kamatayan ay nagawa pang iatras ni Rizal ang kanyang mga kamalian sa relihiyon, tinalikuran ang pagiging mason, at sa mga

Jose Rizal Bilang Ama at Asawa

Image
Image from:  https://philnews.ph/2019/09/23/jose-rizal-josephine-bracken Masakit ang mamatayan ng mahal sa buhay. Ngunit, wala ng mas sasakit pa sa isang magulang na maglibing ng sariling anak. Ito ang pinatunayan ni Jose Rizal na labis ang paghihinagpis na sinapit nang sa hindi inaasahang pagkakataon ay nawalan ng sana’y magiging kanyang kauna-unahang anak sa kanyang pinakamamahal na kabiyak. Mistulang pinagsakluban ng langit at lupa ang pambansang bayani sapagkat tila ba’y pinagkaiitan siya ng karapatang maging isang mabuting ama dahil lamang sa isang lihim na kanyang natuklasan –isang sikretong magdudulot pala ng dilema sa pagsasama nilang mag-asawa. Ang pag-iibigang ito ay nagsimula sa isang liblib na nayon sa katimugang Zamboanga, kung saan si Jose Rizal ay ipinatapon ng mga kolonista ng Espanya noong 1892. Si Rizal ay hindi lamang nakilala bilang isang repormista; siya ay isa ding kilalang optalmolohista, guro at doktor na nagpatuloy sa pagsasagawa ng gamot sa